WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Mga coronavirus pasyente sa PGH sumirit

Dumoble na ang mga pasyenteng may COVID-19 na na-admit sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, hanggang noong Disyembre 25, mayroon lamang silang nasa 30 COVID-19 patient.

Gayunman, hanggang nitong Disyembre 29 ay dumoble na ito at naging 65.

“Over the course of five days, we saw a slight increase in the number of patients coming to the ER (emergency room) or consultation. Some of them have COVID and some had to be admitted. Some had to be sent off because they have mild symptoms,” ayon sa doktor.

“So I guess it’s fair to say that there is a slight increase in the number of admissions now. We are seeing an increasing trend,” dagdag niya.

Naniniwala si del Rosario na ang pagtaas ng kaso ay dahil mas maraming tao na ang lumalabas ng tahanan, namimili, at dumadalo sa mga party bunsod ng panahon ng Kapaskuhan.

Mahirap pa aniyang sabihing ang pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit ay dahil sa mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19, gayong wala pang natutukoy na local transmission nito sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on