WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Walker, Painters lagare sa holiday

NADALAWAHANG sunod na talo ang Rain or Shine sa PBA Governors Cup pero positibo si coach Chris Gavina sa kanyang team.

Sa huling talo 95-92 kontra Philippine Cup champion TNT, pumukpok ang RoS bago sumablay si import Henry Walker sa dulo at nadesisyunan ang 2-3 slate ng Painters.

Sa final 4 seconds, open sa tuktok si Walker at pinakawalan ang pampanalo sanang 3-pointer pero kumabyos.

Dinamba ni Poy Erram ang rebound, na-foul at pinalitadahan ng dalawang free throws ang final tally.

“We tried to look at the positives of bringing the defending champions (ng all-Filipino) down to just one shot, one possession,” ani Gavina. “I give our guys a great deal of credit for battling and competing.”

Break ang PBA pero walang holiday ang Painters, inihanda ni Gavina ang team sa susunod na asignatura – ang bigatin ding NLEX sa Jan. 6.

Inumpisahan ng Road Warriors ang torneo sa 4-0 bago tinisod ng Phoenix 102-93 noong Dec. 25. (VE)