WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

PCC online sabong patok sa talpakan

MAUGONG sa mga online sabong player ang PCC2021.Live dahil mga quality fight ang kanilang nasisilayan tuwing naglilibang sa pananaya.

Sa paderby ng Platinum Cockers Club (PCC), sinabakan ng mga tigasing sabungero at breeders ang nagaganap na 5-Stag/Cock Combo Derby dahil sa tumataginting na P1M guaranteed prize na ipamumudmod sa mga tatalpak sa laban.

Nagsimula ang pupugan noong December 27 hanggang kahapon (Dec. 29) at itutuloy sa Enero 3 sa susunod na taon, ginanap ang sagupaan ng mga malulupit na manok sa Gallera De Manticao sa Misamis Oriental.

Nasiyahan sa pagtalpak ang mga sabungero sa PCC2021.Live at ayon sa mga online players na naglilibang ay talagang nakakapanood sila ng quality fights sa nasabing event kaya naman sulit ang kanilang pusta kahit natalo ang pinili nilang warriors.

Ayon kay David Salazar, player sa PCC2021.Live, maganda ang mga dibidendo ng mga dehadong manok kaya malaki ang kanyang napapanalunan kapag dehado ang mga nananalo.

“Nakaraan lamang ay nakapag cash out ako ng P7,000 puhunan ko P1,000 lang, mabilis manalo kapag dehadohan,” saad ni Salazar sa isang text message.

Bago mag-Pasko ay naganap ang Clash of the Titans 8-Stag plus 7 Stag Solid Platinum at sa 4-Stag Derby, nasiyahan naman ang mga players dahil sa ganda ng komento sa social media.

Marami rin ang tumalpak sa Battle of the Aces 8-Stag derby, kaya inaasahang dadami ang online player ng PCC sa taong 2022.

Samantala, naka-post sa Facebook page ng PCC2021.live kung saan makakapagload para makatalpak ang mga online sabungero. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on