WebClick Tracer

Platinum Cockers Club tinatangkilik

ISA sa mga tinatangkilik na E-sabong ang Palatinum Cockers Club (PCC).

Bukod sa araw-araw na operasyon ay mga quality fight ang nasisilayan ng mga sabungero at naglilibang sa kanilang tahanan habang hindi pa humuhupa ang pandemya.

Kamakailan lang matindi ang siyapolan at pupugan sa ‘Road to Platinum’ 7-Stag Derby na may 65 entries at talagang nasiyahan ang mga sabungero sa paglilibang dahil sa mga quality fight.

Tulad nitong Martes at Miyerkoles na Clash of the Titans 8-Stag plus 7 Stag Solid Platinum at sa 4-Stag Derby, sulit ang bawat taya ng mga online sabungero player.

Nito ring Sabado, masayang nagdiwang ng Pasko ang mga sabungero nang makapanood ng magagandang pupugan sa Battle of the Aces 8-Stag Derby.

Komento nga ni Pangasinan backyard breeder Renato Sevilla sa social media, kahit natalo ang kanyang napiling warrior nasiyahan siya sa laban dahil matitibay at hangga’t may hininga’y pumapalo ang mga manok.

Kaya inaasahang magtutuloy-tuloy ang pagre-relax ng mga sabungero sa kanilang tahanan dahil araw-araw ang talpakan sa PCC2021.live na nagsisimula ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng madaling araw kinabukasan.

isa ang PCC sa nabigyan ng lisensiya ng PAGCOR at malaki ang naitutulong sa gobyerno ngayong panahon ng Covid-19.

Noong Oktubre 23 lang nagsimula ang Platinum Cocokers Club, ang online brand ng Philippine Cockfighting International Inc. at noong Nobyembre 1 nagdaos ng ‘All Saints Day Special’ 7-Stag Derby Group A.

Naka-post sa Facebook page ng PCC2021.live kung saan makakapag-load para makatalpak ang mga online sabungero player. (Elech Dawa)

TELETABLOID

Follow Abante News on