WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

2 delivery rider, 3 kasabwat bistado sa P102K shabu

Nalambat ng mga tauhan ng Provincial Intel Unit ang limang suspek sa aktong pagtutulak at paggamit ng illegal na droga matapos makuhanan ng aabot sa P102,000.00 halaga ng shabu sa buy bust operation kamakalawa sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ni Rizal Police Provincial Director, Col. Dominic Baccay, ang mga suspek na sina Rodney Montes y Santos, 37-anyos, delivery rider; Cyrus Santos y Espileta, 23, delivery rider; Jomar Reyes y Bondoc, 21; Dante Bautista y Ciriaco, 50, at John Karlo Rueda y Bisonayas, 23, service crew, pawang taga-Rodriquez, Rizal.

Sa report ng PIU sa pangunguna ni PLt. Jackson Aguyan, ikinasa ang buy bust operation alas-2:45 Lunes ng hapon sa MH Del Pilar Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal matapos magpositibo sa tip na nagtutulak ang mga suspek ng illegal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 15 gramo ng shabu na nagkakahalagang P102K at shabu paraphernalia. (Vick Aquino)