WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Black hawk chopper ng PAF, kumpleto na

NAKUMPLETO na ng Philippine Air Force ang formal acceptance, turn-over at blessing ng huling batch ng S-70i Black Hawk helicopters sa Clark Air Base, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Tinanggap ito noong Biyernes, ayon sa AFP.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na siyang panauhing pandangal sa event, kasama ang ibang top officials at si Polish Chargé d’affaires Jaroslaw Szczepankiewicz, na ang huling batch ng 5 helicopters ay dumating sa Pilipinas sa pamamagitan ng Antonov Airlines noong November 8 kung saan sa kabuuan ay nasa 16 na ang bilang nito.

Ang Black Hawk helicopters ang ginagamit sa paghatid ng COVID-19 vaccines sa “hard-to-reach areas” sa bansa. (Kiko Cueto)