WebClick Tracer

NEWS

Lacson-Sotto petmalu na tandem

Ang tambalan ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate niya na si Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pinakamalakas at pinakahanda para sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan, ayon sa isang political analyst.

Sa programang “Politics as Usual” ng CNN, sinabi ng political analyst na si Malou Tiquia na kumpara sa kanilang mga katunggali sina Lacson at Sotto ang nagtataglay ng lahat ng karanasan at kakayahan na magagamit nila sakaling mahalal bilang presidente at bise presidente sa susunod na anim na taon.

“I mean if the president say that let’s look for a strong president sino ba ‘yon? I mean when you say he’s strong… who’s the strongest? ‘Di ba if you scale through the list it would appear ‘yong dalawang ready on day one is apparently the tandem” sabi ni Tiquia.

Aniya, sa mga nakalipas na linggo, sa kabila ng pagkakaroon ng ingay hinggil sa mga tatakbong kandidato sa halalan 2022, nanatili sina Lacson at Sotto sa kanilang adbokasiya na makausap ang mga Pilipino, na ang layunin ay maipakilala ang kanilang mga plataporma.

“That tandem has remained quite and was just through and reaching out to people, so that is campaigning,” dagdag pa nito.

Dagdag pa ni Tiquia, kahit hindi pa nangunguna sa ngayon sina Lacson at Sotto sa mga pre-election survey inaasahan na mababago pa ang pananaw ng mga botante kapag nagsimula na ang kampanya sa Pebrero 9.

Aniya, “I look at the Lacson-Sotto tandem as the dark horse because they have the capability to come from behind.”

Hinamon din ng batikang analyst ang mga botanteng Pilipino na huwag tumingin sa papogi at siraan ng mga kandidato, sa halip ay tingnan ang kanilang mga plataporma.

“Let us be conscious of that and let’s look at the platforms, tigilan na natin yung personality-driven at tirahan, tingnan natin ang plataporma, kasi ang 2022, mahalagang makabangon tayo,” sabi pa ni Tiquia. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on