WebClick Tracer

Tulak todas sa P7M drug bust

Patay ang isang dating drug surrenderee na patuloy pa rin sa operasyon niyang iligal na droga habang nasa isang kilo ng pinaniniwalaang shabu na halos P7M o kabuuang P6.8 milyon ang nakumpiska dito matapos manlaban sa buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Lunes ng madaling araw sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang nasawing suspek na si Alvin Baldoza, taga-Barangay Agos, Bato, Camarines Sur.

Sa ulat kay Police Major Ma. Luisa Calubaquib, ng Bicol PNP, ala-1:00 ng madaling araw nitong Lunes nang isagawa ang drug bust ng PDEA Region 5 laban sa suspek sa Barangay Palestina sa bayan ng Pili.

Kumuha ng 100 gramo ng shabu ang poseur buyer sa suspek gamit ang buy-bust money.

Naging matagumpay ang transaksyon subalit nakahalata ang huli na pulis ang kausap kaya agad itong nagbunot ng baril at pinaputukan ang una na suwerteng hindi tinamaan.

Pinakiusapan ng awtoridad ang suspek na sumuko subalit nakipagbarilan pa kaya tuluyang nasawi.

Ang suspek ay bodegero at supplier umano ng shabu sa Camarines Sur. (Edwin Balasa)