WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Vice, Ion nagdiwang na 3 taon relasyon

How time flies! Imagine, tatlong taon na pala ang nakalipas, mula noong nagkadyowa si Vice Ganda, sa katauhan ni Ion Perez.

At siyempre, binalandra ni Vice ang kaligayahan niyang `yon sa Instagram. Pambuwisit sa mga taong patuloy na kumukontra sa pagmamahalan nila ni Ion.

“3 years of not giving a fuck about other people’s thoughts and judgments. 3 years of just being unapologetically in love and happy.
I love you Noy! And i love winning in life with you! @pereziion27

ThreeYears, #ViceIon,” sabi ni Vice.

Pacquiao ‘pinagtawanan’ sa concert

Anyway, dahil sa social media, dahil sa YouTube, parang nagpunta ka na rin sa Amerika, at nanood ng concert ni Vice Ganda roon. Kasi nga, kalat din ang mga video ng performance nila nina MC Muah at Lassy Marquez.

Siyempre masayang-masaya ang mga nanood ng concert ni Vice. Grabe sa harutan, tawanan ang eksena nilang tatlo.

Pero, ang isang eksena sa nagpasakit ng tiyan ng mga nanood ay ang chika, biro ni Vice.

“Nakausap ko si Pacquiao noong nakaraan. Tinanong ko siya, tatakbo ka ba talaga? Sabi niya, oo. Sabi ko, anong plano mo?

“Sabi niya, ‘pag ako nagging pangulo, magtatayo ako ng pinakamalaking unibersidad sa Pilipinas’. Tapos, 3 months pa lang, may diploma ka na! Hahahaha!

“Tatlong buwan pa lang may diploma ka na, tapos ang pangalan ng eskuwelahan, ‘Pacquiao University’.

“‘In short Pack U!

“So, pag nagkita kayo, ‘Pack U ka?’ Oo, ‘Pack U’ rin ako, eh. Hahahaha!”

Pero siyempre, patawa lang `yon ni Vice. At tagumpay naman siya, dahil dinig na dinig ang malulutong na halakhak ng mga manonood, ha!

Bongga! (Dondon Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on