WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

US dineliber 4 drone sa PAF

Apat na drone o ScanEagle Unmanned Aerial System (UAS) na nagkakahalaga ng P20 milyon ang ibinigay ng United States military sa Philippine Air Force (PAF) sa isang seremonya na ginanap sa Clark Air Base sa Pampanga noong Miyerkoles.

Ayon sa US, karagdagang kagamitan ito para mapalakas ang kapabilidad ng PAF sa unmanned intelligence, surveillance, reconnaissance (IRS) bilang suporta sa kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo gayundin sa mga pagsaklolo kapag mayroong kalamidad.

Sinaksihan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at PAF chief Lt. Gen. Allen Paredes ang turnover ng apat na drone na pinangunahan nina US Chargé d’Affaires Heather Variava at Admiral John Aquilino, commander ng US Indo-Pacific Command.

Sa isang pahayag, sinabi ng US na ang Pilipinas sa ngayon ang may pinakamalaking military assistance na natatanggap mula sa Estados Unidos.

Simula umano noong 2015 ay nakapagdeliber na ang US ng mahigit P50.6 bilyong halaga ng mga eroplano, barko, armored vehicle, maliliit na armas at iba pang kagamitang militar sa Pilipinas. (Kiko Cueto)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on