Patay kay ‘Maring’ sumirit sa 30

Umakyat na sa 30 ang bilang ng mga namatay dahil sa bagyong ‘Maring’,­ ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pader bumagsak, 4 magkamag-anak tigok

Pumanaw ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos mabagsakan ng malaking pader ang kanilang bahay, kamakailan sa Sitio Pilawan, Barangay Sagunto, Sison, Pangasinan.

Iskul nilooban ng tindero

Dahil sarado at hindi pa ginagamit dulot ng COVID-19 pandemic, sinamantala ng isang 18-anyos na vendor na pasukin at tangayin ang tinatayang P10,000 halaga ng electrical wire sa isang international school sa Imus City, Cavite nitong Miyerkoles ng gabi.

Bebot ninakawan na, binoga pa

Yumao ang isang 25-anyos na babae matapos pagbabarilin ng tatlong suspek na pumasok sa loob ng kanyang bahay, Martes ng gabi sa Malate, Maynila.

P6.5M ecstasy nasamsam ng Customs

Nasa 6.5 milyong pisong halaga ng mga tabletas ng ecstasy ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Fil-Am guro kinilala sa US

Tinaguriang 2022 Oregon Teacher of the Year ng Oregon Department of Education (ODE) sa United States ang Filipino-American educator na si Ethelyn Tumalad.

Pulis sa Canada hanep mag-Bisaya

Naaliw ang maraming netizen matapos na mapanood ang video ng isang Canadian police na kinausap ang isang Pilipino sa wikang Bisaya.