WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

PH Air Force bibili ng 3 bagong C-130

Tatlong brand new C-130J cargo plane ang nakatakdang bilhin ng bansa sa susunod na taon.

Ito┬┤y matapos na aprubahan ng liderato ng Kamara ang kahilingan ng Philippine Air Force (PAF) na isama sa 2022 budget ang pagbili ng mga bagong C-130.

Nagpulong kahapon sina Speaker Lord Allan Velasco at PAF chief Lt. Gen. Allen Paredes kung saan inaprubahan ang kahilingan ng hukbo na bigyan ng alokasyon ang pagbili ng mga bagong cargo plane.

Bahagi na rin ito ng pagtugon sa matagal nang problema sa mga lumang C-130 na nauuwi na sa maraming trahedya at aksidenteng panghimpapawid.

Bukod dito, ang mga bagong C-130 ay malaking tulong sa pagresponde sa mga kalamidad gayundin sa pag-uwi ng mga overseas Filipino worker kapag kinakailangang ipasundo ng pamahalaan. (Eralyn Prado)