WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Ariella kadiri sa halikan — Lassy

Diring-diri si Lassy Marquez kay Ariella Arida. Diring-diri nga ang komedyante sa halikan nilang dalawa sa pelikulang ‘Sarap Mong Patayin’ na bida rin si Kit Thompson, at dinirek ni Darryl Yap para sa Vivamax.

Bago nga gawin ang pelikula, tinanong na sila ni Direk Darryl kung kaya nilang maghalikan. At sumagot nga raw si Ariella na okey lang. Samantalang si Lassy, nagdalawang isip pa, at napa-yuck pa, ha!

“’Yun ang unang tinanong sa akin, kung kaya ko bang halikan si Lassy. At sabi ko, oo naman, hindi ako nagdalawang isip. Pero, noong nandun na kami sa set, nagtatawanan lang kami ni Lassy, kasi naisip ko, ang concern ko, ‘yun talaga ang pinaka-grabe kong gagawin. Noong nandun na kami, natulala na lang kami!” sabi ni Ariella.

“Ako talaga ang nag-yuck! Hahahaha!

“Kasi naman siyempre, bading ako, tapos babae, beauty queen hahalikan ko! Kadiri, di ba?

“Sabi ko nga, ito na yata ang pinakamarumi, pinakamalansang pelikula na nagawa ko. Napakarumi talaga. Feeling ko nga, dapat dinala siya sa hospital after ng halikan namin!” nagpapatawang sabi ni Lassy.

Pero, super jackpot naman si Lassy kay Kit Thompson, dahil may eksena roon na ginahasa nila ni Ariella ang aktor, at makikita nga na hinalikan ni Lassy ang buong katawan ni Kit, ha!

Sa susunod na kolum na lang ang chika tungkol doon.

10 araw nang hiwalay: Julia sabik na sa yakap, pagmamahal ni Gerald

Kasalukuyan ngang nasa Vienna, Austria pa rin si Gerald Anderson, kasama ang kanyang mga kaibigan at ama. Pinaghalong rampa at syuting nga ang eksena ni Gerald doon, at feeling turista talaga siya dahil panay ang post niya ng mga photo sa Instagram na kuha sa naturang lugar.

At siyempre, dahil mahigit sampung araw na ring wala si Gerald sa Pilipinas, kaya miss na miss na rin siya ng dyowa niyang si Julia Barretto. Parang sabik na sabik na nga si Julia na mayakap muli, makasama sa rampa sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, mangisda, lumangoy sa dagat, mag-ehersisyo, ang dyowa niya.

Sa Instagram story nga ni Julia ay makikita ang photo ni Gerald, na may caption na ‘I miss you’ at may tumitibok-tibok na puso. Sa naturang IG story nga ay nagkasama sila pansamantala.

Well…

Marco Gallo ‘Hungarian’ ang nota

Sa mediacon ng ‘Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso’ ay biglang napag-usapan ang makinis na wetpaks, at malaking Hungarian sausage ni Marco Gallo, dahil sa eksena na naliligot nga ito, at binobosohan nina Chad Kinis, MC Muah, Aubrey Caraan.

Na totoo naman, super puti, kinis na puwet ni Marco, ha! At kuwento ni Direk Darryl Yap, sa eksenang `yon ay inutusan niya si Marco na magpa-make up, at magpalagay ng plaster, pero tumanggi ang binata.

“Excuse me Direk, makinis ang puwet ko!” sabi ni Marco.

At sinabi nga rin nito na hindi niya kailangang magpalagay ng plaster, kaya nalantad nga sa mismong set ang kadakilaan ni Marco.

“Well, kung ako rin naman ang may ganun kalaking ari, hindi ako mahihiya!” sabi pa ni Direk Darryl.

Hungarian nga ang deskripsiyon nila sa nota ni Marco.

Kaloka, di ba?

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on