WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
LIFESTYLE

23 barangay naka-jackpot ng kolong-kolong

Dalawampu’t tatlong barangay sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija ang nanalo ng bagong kolong-kolong mula sa programang “Gulayan sa barangay program” na nasa ika-8 taon nang isinasagawa.

Personal na iginawad ni Mayor Nerivi Santos Martinez kasama sina Liga ng Barangay President Jr Santos, Konsehal Nel Rayo at LnB Vice Pres. Kapitan Erwin Chioco ang mga premyong kolong kolong na nagkakahalaga umano ng P85K kada isa.

Sa naturang programa ay libreng binhi ng iba’t ibang gulay ang ipinagkakaloob sa 53 barangay at kanilang itinatanim sa mga bakuran, plaza at isinakong lupa na inilinya sa gilid ng mga lansangan.

Ang mga inaaning bunga ay ipinauubaya sa mga residente na nakatulong ng malaki dahil marami ang labis na naapektuhan ang mga hanapbuhay sa gitna ng pandemya.

Labis namang ipinagpasalamat ng nagwaging mga punong barangay ang mga kolong kolong.

Kabilang sa mga nagwaging barangay ang : Poblacion Sur, Bantug, San Miguel Na Munti, Matingkis, Sibul, Burnay, Bacal I, Mabuhay, Bacal III, San Ricardo, Basang Hamong, Calipahan, Andal Aliño, Homestead I, Dimasalang Sur, San Pascual, Dinarayat, Campos, Bagong Silang, Marcos, Pula, Pulong San Miguel at La Torre. (Jojo De Guzman)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on