WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Bukas negosyo sa mga bakunado hahatulan

Walang ibang paraan kung hindi magbukas ang mga negosyo para makabawi ang bansa sa matinding pagkalugmok.

Ito ang inihayag ni Presidential Adviser for Economic Affairs Secretary Joey Concepcion kaugnay sa hirit nito sa gobyerno na payagan na ang pagbubukas ng mga restaurant para sa mga bakunado.

Sinabi ni Concepcion na mag-uusap ang kanilang sektor kasama sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, DILG Secretary Eduardo Año, mga opisyal ng Department of Health at OCTA Research para pag-usapan ang kahilingan ng business sector.

“Mukhang maa-approve na siguro ito as a pilot test, hinihintay natin ‘yan kasama na siguro dito yung granular lockdown na gagawin nila. May townhall meeting kami ngayon kasama sina Secretary Galvez,kasama sina Secretary Año, OCTA,DOH. Malalaman natin kung anong mangyayari dito,” ani Concepcion.

Binigyang-diin ng kalihim na posibleng umabot sa trilyong piso ang gastos ng gobyerno dahil sa epekto ng pandemic kung magtutuloy-tuloy ang lockdown kaya mahalagang magtulungan ang gobyerno at business sector. (Aileen Taliping)