WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Nahirapang huminga, Chinese nagbaril sa sentido

Patay ang isang Chinese national matapos magbaril sa sentido nang maburyong sa matagal nang iniindang karamdaman kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay PSMS Michael Pastor, ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente, ala- 1:00 ng hapon sa kuwarto ng tinutuluyang unit ng 75-anyos na Tsino.

Ayon sa kanyang kinakasama, nananghalian pa umano ang biktima bago pumasok sa kuwarto.

Ilang sandali pa ay pumasok na rin ng kuwarto ang ka-live in at dito niya nakita ang biktima na duguang nakahiga sa kama at nasa tabi nito ang 380 caliber na baril na ginamit sa pagpapakamatay.

Bago nagbaril, sinabi ng kinakasama na nahihirapan umanong huminga ang senior citizen na biktima bukod pa sa high blood rin ito na matagal na niyang iniinda. (Juliet de Loza-Cudia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on