WebClick Tracer

Friday, March 31, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
OPINION

Kakaiba ang mga galawan

Sa gitna ng bawa’t krisis, nakasalalay ang malakingoportunidad.

Ito ang mga salitang sinambit ni Albert Einstein, isang kilalangsiyentipiko, nuong siya ay tanungin hinggil sa isangmapaghamong suliranin. Sa wikang Tsino, iisa lang din ang salitang ginagamit para isalarawan ang konsepto ng krisis at oportunidad. At dagdag pa ng marami, na mas malalim ang krisis, mas maganda ang oportunidad. Totoong maramingparaan upang unawain ang mga linyang ito. Bagama’t ang krisis ay laging negatibo, nagtataglay ito ng mga elemento namaaring maging positibo ang resulta kalaunan.

Ang isang halimbawa na marami sa atin ang makakaunawaay ang krisis na pangkalusugan. May mga tao na palibhasabata at walang nararamdaman ang tinuturing na nag-aabusosa kanilang mga katawan. Ang ilang uri nito ay ang paninigarilyo, pag-gamit ng mga bawal na gamot, at ang labisna pag-inom ng alak na nauuwi sa pagkasira ng kalusugan. Pagkatapos danasin ang mga hirap ng pagkakasakit, makikitanila ang karanasang ito bilang isang wake-up call o panggising na tawag. Kung mauwi man ito sa kamatayan, ang aral ay maisasalin sa mga nakasaksi ng krisis upang hindi napamarisan.

Maari rin namang negatibo ang naging tingin ng iba salinyang ito. Ito ay ang mga pagkakataon kung saan ang krisisay ginagamit bilang pagkakataon sa pananamantala. Maraming naging ganung pangyayari sa umpisa ng taong2020 nuong pumutok ang bulkang Taal. Kinundena ng sambayan ang ilang mga tao na nagbenta ng face masks—nanuong mga panahong iyon ay lubhang kailangan—sapresyong umaabot sa ilang beses ng normal na presyo. Maging ang pangulo ay nainis sa ganitong nangyari. Si Francisco Duque ng DOH ay nag-utos ng pagpapahinto sapagtaas ng presyo ng mga medical supplies kagaya ng face masks. Ang DTI naman ay nagpakalat ng mga inspector upang masubaybayan ang paggalaw ng presyo—nahumahantong sa tinatawag na profiteering o labis labis natubo—ng mga piling bilihin.

Nguni’t tila naiba na ang isip ni Duque hinggil sa mga labis nataas ng presyo. Sa isinasagawang imbestigasyon nilaSenador Richard Gordon at Senador Panfilo Lacson—nabase sa ulat ng Commission on Audit—lumalabas na tilakinunsinte ni Duque ang labis-labis na presyo ng mga face masks at face shields. Bukod pa diyan, tila siya pa ang nagbibigay ng mga dahilan upang maipagtanggol ang mganegosyanteng nasa likod ng transaksyon. Ang mga sangkotsa usapin ay sinasabing may mga kaugnayan sa pangulo at kay Senador Bong Go.

Umaasa ang sambayan na ang magiging bunga ng krisis ng pandemya ay ang pag-angat ng antas ng mga pasilidad napangkalusugan at ang pagpapabuti ng ating kakayahan para tugunan ang mga ganitong uri ng krisis, hindi pagsasamantalasa kaban ng bayan. Totoong isinasaad ng batas naBayanihan na wala muna ang proseso ng bidding, nguni’thindi nangangahulugan na permiso ito para pumasok sa mgatransaksyon na talo ang pamahalaan.

Magtataka pa ba tayo na kung bakit lumalawig ang krisis saatin? May oportunidad! Kakaiba ang mga galawan.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on