WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Pulis na nangmanyak ng quarantine pasaway sinibak

Pinag-utos na ni Phili­ppine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang agarang pagsibak sa pulis na sinasabing nanggahasa sa isang quarantine violator sa Mariveles, Bataan.

Ito ay matapos sabihin ng Mariveles police na ang sexual assault at acts of lasciviousness complaints ay isinampa laban kay Pat. Elmer Tuazon Jr., 25, at sa marshal team leader na si Armando Dimaculangan, 53, sa Office of the Provincial Prosecutor sa Balanga City, Bataan.

“Makakatiyak din ng agarang aksiyon ang ­ating mga kababayan laban sa mga tiwali sa aming hanay kaya nakikiusap din ako na huwag sanang lalahatin ang kapulisan dahil iilan lamang ang mga ito at higit na mas nakakarami ang mga pulis na handang tumulong at gumagawa ng tama sa ngalan ng police service,”­ giit ng hepe sa isang pahayag.

Nanghingi naman ng paumanhin si Eleazar sa biktima at sa pamilya nito.

Sa imbestigasyon, sina Tuazon at Dimaculangan ay naka-duty sa quarantine control point (QCP) nang sitahin ang 19-anyos na biktima dahil ito ay unauthorized person outside residence (UPOR).

Dinala umano ang biktima sa boarding house ng pulis at doon ay halinhinan umano itong ginahasa ng da­lawang suspek. (Kiko Cueto)