WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

P6M shabu sinilid sa CCTV

Tinatayang nasa P6.1 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga pulis sa Port of Clark, Pampanga.

Sa report, sinasabing itinago ang mga iligal na droga sa loob ng apat na CCTV camera na pawang ipadadala sana sa New Zealand.

Nakadeklara ang mga ito na CCTV camera at video recorder,­ pero may nag-tip umano sa Enforcement and Security Ser­vice ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force na may export shipment na ang laman ay iligal na droga, kaya’t minabuti ng awtoridad na siyasatin ang produkto.

Agad itong tinungo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at nakumpirma na shabu ang laman ng anim na pakete sa mga camera.

Ang ilegal na droga ay itinurn-over sa PDEA.

Sa ngayon ay inaalam na ang pagkakakilanlan ng nagpadala at padadalhan ng shabu. (Kiko Cueto)