WebClick Tracer

Ano ang pinagkakaiba ng Life Insurance at Health Insurance?

Dear Atty. Loon,

Ako po si Dan at ako po ay 60 na taong gulang. May sakit ang aking asawa at kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital. Nagbabalak akong kumuha ng life insurance bilang tulong para sa pagpapagamot sa aking asawa. Pero may nagsabi sa akin na dapat kumuha ako ng health insurance para sa aking asawa noon pa lang dahil nakakatulong ito sa bayarin sa ospital. Maari po ba magtanong kung ano ang pinagkaiba ng life insurance at health insurance?

Dear Dan,

Una sa lahat, ipagdarasal ko ang mabilis na pag-galing ng iyong asawa. Sana malapagsan ninyo ang pagsubok na ito sa panahon ng pandemya.

Sa iyong tanong, madalas inihahanlintulad ng mga tao ang life insurance at health insurance. Maraming pagkakaiba ang mga naturang insurance at marami itong iba’t ibang kundisyon. Pero para sa iyong sitwasyon, ilalahad ko ang mga pangunahing pagkakaiba ng life insurance at health insurance.

Pagdating sa tulong pinansyal, ang life insurance ay may pinansyal na benepisyo kung saan makakatanggap ng salapi o proceeds ang nakatalagang benepisyaryo sa oras ng pagkamatay ng may-ari nito. Kumukuha ng life insurance ang ilang mga tao bilang tulong o pamana sa kanilang mahal sa buhay. Ang health insurance naman ay isang uri ng insurance kung saan sinasagot nito ang mga bayarin sa medikal tulad ng pagbisita sa doktor, pananatili sa ospital, at mga gamot. Sa health insurance, ang mga bayaring medical ay sinasagot ng mga health insurance providers habang epektibo pa ang termino nito.

Pagdating sa mga taong makakakuha ng benepisyo ng mga naturang insurance, ang benepisyo ng life insurance ay mapupunta benepisyaryong itinalaga ng may-ari nito.

Kung hindi nakapagtalaga ng benepisyaryo ang may-ari ng life insurance, ito ay puwedeng mapapunta sa kanyang estate or ari-arian. Sa health insurance, ang may-ari nito ang sinasagot ng health insurance providers sa bayaring medical.

Ang mga naturang insurance ay parehong nakatutulong pangpinansyal, mapamedikal man o pamana. Kung kakayanin ng iyong kapasidad makapagbayad, maari kang kumuha ng life insurance and health insurance ng sabay bilang tulong sa iyong pamilya.

Si (Atty. Martin Loon) ay ang President & CEO ng Cocolife, ang pinakamalaking Filipino Life Insurance Company sa Pilipinas.

TELETABLOID

Follow Abante News on