WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Diaz na-promote sa PH Air Force

BILANG pagpupugay sa makasaysayang panalo ni weightlifter Hidilyn Diaz sa 2020 Tokyo Olympics, ginawaran siya ng Philippine Air Force ng mas mataas na ranggo bilang Staff Sergeant.

“In lieu of her recent historic win in the Olympics, the Philippine Air Force through its Commanding General approved the promotion of Sgt. Hidilyn Diaz effective 27 July 2021 to the rank of Staff Sergeant,” saad sa isang pahayag ng Armed Forces of the Philippines.

Anila, “remarkable achievements” ang ibinigay ng 30-anyos na weightlifter sa bansa.

Taong 2016 nang ma-promote bilang Airwoman first class si Diaz matapos ang kanyang silver medal performance sa Rio Olympics.

Na-promote muli ito nang masungkit niya ang kauna-unahang gold medal sa Asian Games taong 2018.

Nito lamang Lunes nang masungkit naman ni Diaz ang ginto sa Olympic weightlifting event sa -55kgs category. (VA)