WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
LIFESTYLE

Anak ni Robredo nagturok sa Maynila

Kabilang ang anak na doktora ni Vice President Leni Robredo na si Tricia sa mga volunteer vaccinator sa isang drive-through COVID-19 vaccination site sa Cultural Center of the Philippines Complex kamakailan.

Ibinahagi ni Robredo sa Facebook ang mga litrato ni Tricia habang nagbabakuna kontra coronavirus noong Hulyo 21.

Nakipagtambal ang Office of the Vice President sa Manila City government para sa pagbabakuna sa mga tricycle, pedicab at delivery rider.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong ‘Fabian’ ay natuloy ang pagtuturok sa mga tricycle, pedicab at deli­very rider ng pangalawa at huling dose ng bakuna.

“Tricia is one of our volunteer vaccinators today. Heavy rains but all our volunteers braved the floods to come and help. We would never have pulled this off without their commitment,” saad ni Robredo.

“Thank you also to the LGU Manila family, the Coast Guard, PNP, AFP, Cultural Center of the Phi­lippines, and, of course, our tireless and dedicated OVP staff,” dagdag niya. (Issa Santiago)