WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Greg bet sa Magnolia, Jio tuluyang itatapon

POSIBLENG maganap ang surpresang pagpapalitan sa pagitan ng tatlong koponan na kinatatampukan nina Greg Slaughter ng NorhtPort Batang Pier, Jio Jalalon ng Magnolia Hotshots at draft pick sa susunod na taon habang isinasagawa ang PBA Philippine Cup.

Ito ay matapos malaman sa isang agent na nakasumite na ang isang trade proposal na magdudulot ng pag-ikot ni Slaughter patungong Magnolia habang si Jalalon alinman sa NorhtPort o sa ikatlong koponan na magsisilbing conduit para makumpleto ang negosasyon para sa pagpapalitan.

Matatandaan na matagal nang naghahanap ang Hotshots ng isang big men na nasa kalidad mismo ni Slaughter, na nakuha naman ng NorthPort mula sa Ginebra sa one-on-one trade kay Chirstian Standharidinger.

Hindi pa rin nakakapaglaro si Slaughter para sa Batang Pier.

Gayunman, dahil hindi patas ang magiging trade ay humihingi ng dagdag na first round pick kasama si Jalalon o isa pa na manlalaro para maganap ang palitan. (Lito Oredo)