WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Mga magsasaka nagsumbong kay Lacson: Bilyong pisong gamit ng DA palyado

Isa sa nakikitang solusyon ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang aktibong pakikiisa ng publiko para mabasag ang tinawag nitong “vicious cycle” ng korapsiyon sa bansa.

Sinabi ng senador na may ilang opisyal ang hindi na nahihiya dahil kapag nasasangkot sa isyu ng korapsiyon ay `nagpapalamig’ lang muna at nananahimik lamang hanggang sa tuluyan nang makalimutan ng mga tao ang kanilang ginawa.

“That said, the vicious cycle of corruption is not limited to those in government. It takes two to tango: those who corrupt – and the public who wittingly or otherwise turns a blind eye,” ani Lacson.

Ginawang halimbawa ng senador ang pamamahagi aniya ng bilyong pisong halaga ng mga kagamitang pang-agrikultura bilang ayuda sa mga magsasaka sa mga lalawigan.

Ayon kay Lacson, nagsumbong sa kanyang tanggapan ang mga magsasakang benepisyaryo dahil kung hindi dispalinghado ay agad naman umanong nasisira ang mga kagamitang natanggap nila.

Matapos aniyang mangako si Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na iimbestigahan ito ay hindi pa rin nagbibigay ng ulat hanggang ngayon ang tanggapan ng kalihim.

“Sec Dar promised to submit a report not later than April last year. Up to now we have yet to receive it,” ani Lacson.

Naging krusada na ni Lacson na labanan ang korapsiyon. (Dindo Matining)