WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

140 estudyante kinidnap sa Nigeria

Isang grupo ng mga armadong lalaki ang umatake sa bansang Nigeria nitong Lunes kung saan 140 mag-aaral ang kinidnap ng mga ito.

Sa report, sinalakay ng mga armadong grupong sakay sa mga motorsiklo ang Bethel Baptist High School sa Kaduna City alas-11:00 ng gabi.

Ang Bethel Baptist ay isang boarding school kung saan nakatira ang mga mag-aaral.

Sinira umano ng mga salarin ang bakod ng paaralan at sa dami nila’y hindi na nakontrol ng mga bantay.

Sinasabing dinala ang mga dinukot nilang mag-aaral sa isang gubat.

Sa pinakahuling tala ay nailigtas na ang 26 nilang bihag.

Nabatid na walang puknat ang nagaganap na kidnapping sa Nigeria kapalit ng ransom mula sa mga kidnaper.