WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

COVID case sa Tuguegarao bumaba na

BUMABA noong Miyerkules ng hapon sa 540 ang bilang ng aktibong kaso ng coronavirus disease sa Tuguegarao City, ayon sa Tuguegarao City Health Office (TCHO).

Sa report ng TCHO kay Mayor Jefferson “Jeff” Santiago, nakapagtala ng 33 na bagong kaso ng COVID-19 habang mayroon namang 61 na indibidual ang nakarekober at walang naitalang nasawi.

Ayon kay Soriano, mariin pa rin nilang ipinapanawagan na sumunod sa minimum health standards upang makatulong sa pag-iwas sa local transmission.

Sinabi ng alkalde, hinihikayat din niya ang kanilang mga kababayan na magpabakuna na kontra COVID-19 pagdating ng tamang schedule para sa mga grupong kanilang kinabibilangan.

Samantala, sinabi ng TCHO na mag-ingat pa rin at sundin ang health protocols upang maiwasan ang nakamamatay na virus. (Allan Bergonia)