Cellphone ‘di mabitawan, iniwan ng BF

Hello, gusto ko lang na malinawan sa ibig sabihin ng panaginip ko. Twice ko na kasi napanaginipan ‘to. Sa unang panaginip ko daw, kasama ko ang boyfriend ko sa kuwarto, pero siya lang ang nakayakap sa akin dahil hawak ko daw ang cellphone ko at nagta-type, pero hindi ko na maalala kung ano ‘yun or kung may ka-text ako, maya-maya tumayo na siya at iniwan ako, doon ko lang daw siya hinabol saka niyakap. Sa pangalawang panaginip ko na tungkol din sa cellphone, kausap ko naman daw ang mama ko habang nakaupo kami sa sala, or mas tama ata na kausap niya ako kasi hindi ko daw siya pinapansin kahit matagal na siyang nagsasalita, nakahawak lang uli ako sa cellphone ko tapos maya-maya tumawag ang boyfriend ko at sinabing break na kami, napaiyak daw ako tapos sinabi ko kay mama, ang sabi niya lang sa akin dahil daw sa cellphone ko ang lahat, nag-iba na daw ako.

Maiksing OFW quarantine inaaral ng IATF

Pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit ng mga overseas Filipino workers (OFW) na iksian ang panahon ng kanilang quarantine pagdating sa Pilipinas.

DOTr may alok na 40K trabaho

Mahigit 40,000 trabaho sa transport sector ang bukas hanggang 2024 para sa mga nawalan ng hanapbuhay ngayong panahon ng pandemya.

7 pumiyok sa PhilHealth scam nilaglag ng Ombudsman

Binasura ng Office of the Ombudsman ang mga kasong kriminal at administratibong isinampa ng ilang empleyado sa 11 opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) taong 2019.

Briones panagutin sa binaboy na module

Sinisisi ng Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang Department of Education (DepEd) sa palpak na learning modules kung saan maling paglala­rawan ang ipinakikita sa mga mag-aaral at nakitaan pa nila ng bastos at maraming mali.