WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Alfamart, LBC nalimas sa robbery holdup

Isang minimart at isang padala center ang kapwa nabiktima ng robbery holdup noong Sabado sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Ecija na kapwa natangayan umano ng kanilang cash money na nabentahan.

Sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni PColonel Jaime Santos, acting police director, ang nadale ay ang Alfamart sa Brgy. Carmen, Zaragosa at LBC Gapan City branch.

Alas-3:19 ng hapon nang maholdap ang mga kahero sa Alfamart na sina Jade Santiago Aurelio, 25, ng Brgy. Sta. Barbara, San Antonio at Dennis Yakat Alfantan, 31, ng Brgy. San Juan, Aliaga.

Tinutukan umano sila ng pistol ng holdaper at sinimot ang bentang P4,909 sabay takas sakay ng motorsiklo.

Alas-9:40 ng umaga naman ng maholdap ang LBC Gapan Branch sa Brgy. San Vicente, Gapan City.

Ayon sa mga LBC staff na sina Edmarie Agustin Gamalo, 31; at John Tinio Cruz, 22, kapwa taga-Gapan City, nagkunwaring customer ang salarin na pumasok sa kanilang puwesto.

Makaraang bumunot ng baril at nagdeklara ng holdap ay natangay nito ang cash money na mahigit sa P20,000.00.

Puspusang follow up ang isinasagawa ng pulisya ngayon sa dalawang insidente. (Jojo De Guzman)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on