WebClick Tracer

Saturday, September 24, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Internet, gadget sakit ng ulo sa distance learning

Para makabangon ang sektor ng edukasyon mula sa mga pinsalang dulot ng COVID-19, isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapalawig ng access sa internet at mga gadget para sa mag-aaral na nangangailangan nito.

Ginawa ng senador ang pahayag matapos lumabas sa Pulse Asia survey na mahigit 63% ang may anak na nag-aaral. Maraming mga magulang ang nagsabing internet at kawalan ng gadgets ang problemang nararanasan nila sa distance learning.

Higit 43% sa kanila ang nagsabing paputol-putol ang internet connection, higit 36% ang nag-ulat na wala silang gadgets sa bahay, at 30% naman ang nagsabing namamahalan sila sa gastos sa internet.

Lumabas sa survey ng Pulse Asia na rito rin pinakalaganap ang suliranin sa paputol-putol na internet at mataas na gastos sa internet.

Bagama’t hindi masyadong laganap ang kakulangan ng gadgets sa NCR, mas laganap naman ito sa ibang bahagi ng Luzon, 41%, Visayas, 33% at Mindanao, 34%.

Sa 2019 National ICT Household Survey naman nasa 82.3% ng mga sambahayan ang walang internet.

Noong 2020 ay inihain ni Gatchalian ang panukala para sa paglalagay ng cell site sa mga pampublikong paaralan upang mapalawig ang access at paggamit ng internet sa buong bansa.

Balak din ni Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas upang mabigyan ang mga mag-aaral sa bansa ng laptop at internet allowances. (Dindo Matining)