WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Erpat hinataw ng tubo

IPINAKULONG ng isang ama ang sariling anak nang tubuhin nito matapos na namagitan sa away nilang magkapatid sa Bacoor City, Cavite Linggo ng gabi.

Hindi naman nagdalawang isip na kasuhan ng biktimang si Alfredo Sungkip, 62, ng Attempted homicide ang anak na si Alfredo Sungkip Jr., 21, isang construction worker, kapwa taga-SMPD Bukid Andrea Village 2, Brgy Panapaan 5, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Albert Badocdoc ng Bacoor City Police Station, alas-10:30 kamakalawa ng gabi, naabutan ng biktima ang dalawa nitong anak (suspek at Ashley) na nagtatalo. Nabatid na lasing ang batang Sungkip nang inaaway nito ang kanyang kapatid.

Tinangka nitong awatin ang dalawa pero imbes na nakinig ang suspek, kumuha ng tubo at hinataw ang ama.

Matapos ang pangyayari ay tumakas ang suspek pero naaresto sa follow up operation. (Gene Adsuara)