WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

1 patay, 1 nawawala kay `Bising’

ISA ang patay at isa ang nawawala habang napilitang lumikas mula sa kanilang bahay ang libu-libong pamilya sa probinsya ng Northern Samar at Albay matapos maapektuhan ng pagbaha na dulot ng Bagyong Bising.

Sinabi ng Office of Civil Defense in Region 8, na isang 79-anyos na lalaki sa St. Bernard sa Leyte ang namatay nang mabagsakan ng puno ng niyog.

Nawawala naman ang 40-anyos na lalaki sa San Jose, Northern Samar kung saan ipinatupad noong weekend ni Governor Edwin Ongchuan ang forced evacuation ng mga pamilya na nakatira malapit sa baybaying dagat.

Sinabi ni Josh Echano, ang pinuno ng disaster response sa probinsya, na nasa 489 na pamilya o 1,771 na indibidwal ang inilikas sa kabuuang lalawigan hanggang Linggo ng hapon.

Sa kabuuan ng Bikol, nasa 57,000 na indibidwal ang inilikas.

Aabot naman sa 851 pasahero, 11 bus, 176 trucks, 103 light vehicles at 7 sea vessels ang stranded sa iba-ibang pantalan. (Kiko Cueto)