WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Bayad utang sa mga bangko wala nang ekstensiyon

Hindi na palalawigin ang ekstensiyon ng mga bangko sa pagbabayad ng mga customer na may utang.

Sa inilabas na pahayag kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) iginiit nitong tapos na ang batas na nag-oobliga sa mga bangko na magbigay na grace period sa mga nangungutang.

Ang grace period ay sa ilalim ng Bayanihan law nang unang nag-lockdown ang bansa na tumagal nang mahigit dalawang buwan, nakaraang taon at napaso noong June 1, 2020.

Ibig sabihin, kailangang magbayad ang mga consumer ng kanilang mga utang sa bangko sa tamang oras ng tamang halaga kung ayaw nilang mapagmulta o maparusahan ng bangko.

Panghihikayat na lamang sa mga bangko na magbigay ng palugid sa mga kliyente nito sa pamamagitan ng pagre-restructure o pagpapahaba ng payment terms ang magagawa ng BSP.

Sabi ng BSP, nagbigay ng palugit sa mga bangko at sana ay ipasa nito sa kanilang mga kliyente. (Eileen Mencias)