WebClick Tracer

Saturday, September 24, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Magsasaka tiklo sa trip na pamamaril

Arestado ang 66-anyos na magsasaka makaraang mapagtripan umanong barilin at paluin ng sumpak ang 52-anyos na vendor sa Talavera, Nueva Ecija kamakalawa.

Nakilala ang salarin na si Francisco Reyes Manahan Brgy. Burnay na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Lumitaw sa imbestigasyon, alas-8:40 ng umaga namamahinga sa ilalim ng puno ang biktimang si Serafin Ramento Reyes, nang biglang paputukan ni Manahan gamit ang improvised na shotgun o sumpak.

Nang tamaan ay nilapitan pa ito ni Manahah at pinaghahampas gamit ang sumpak at saka tumakas.

Agad namang nadala sa ospital ang biktima. Sa pagresponde ng pulisya ay inabutan ang nakatulalang salarin sa tahanan nito at narekober ang ginamit nitong sumpak. (Jojo De Guzman)