WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Insentibo kontra online sex abuse

Isinulong ni Senador Risa Hontiveros na bigyan ng insentibo ang mga kompanyang may kinalaman sa money remittance, internet at social service na tutulong sa mga awtoridad para masugpo ang talamak na online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

Sa Senate Bill No. 2068 o Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation law, kasama sa probisyon ang magpapataw ng penalty sa private company na hindi sumusunod sa obligasyon sa ilalim ng panukala.

Ayon kay Hontiveros, ang pagbibigay ng insentibo ay magpapadali sa trabaho ng mga law enforcement agency para sugupuin ang mga sindikatong nasa likod ng online sexual abuse sa mga bata. (Dindo Matining)