WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ENTERTAINMENT

Bea nasarapan sa ‘etits ng baka’

Aliw na naman ang latest vlog ni Bea Alonzo, na ang guest niya ay ang Beks Battalion, na sina Chad Kinis, MC Muah, Lassy.

‘Spill your guts’ nga ang tawag sa game/challenge na ginawa nila. Na may mga matitinding tanong, na kapag hindi kayang sagutin, kailangang kainin, inumin ang mga inihain sa lamesa.

Unang tanong nga sa grupo ni Bea, ‘Name the most famous person that has hit on you!’

“My God, ina-aura-han ako?” say ni Bea na tila nag-iisip.

Nakiusap ang mga ka-team ni Bea na sagutin na lang ang tanong, pero mas pinili ng mahusay na aktres na kumain na lang ng ‘etits ng baka’.

“Ang laki. Oh, my God!” tumitiling chika ni Bea habang tinitingnan ang ‘etits ng baka’ na luto naman.

“In fairness, ‘yung lasa niya para siyang kaldereta,” sey ni Bea na nasarapan naman sa lasa.

“Pero yung texture niya ang kadiri. Para siyang gelatin na tumigas!” dugtong na deskripsiyon ni Bea.

Siyempre, gumanti si Bea sa Beks Battalion, kaya ‘bayag ng baka’ naman ang pinili niya na dapat kainin ng tatlong beki, kung hindi sila sasagot.

Ang tanong kasi, ‘sino ang hindi nakakatawa o may attitude sa mga naka-collab nila?’ Sina Sharon Cuneta, Marco Gumabao, Vice Ganda ang ilan sa mga nakasama na sa YouTube channel ng Beks Battalion.

“Wag tayong sumuko, balls lang `yan!” sabi ni MC.

“Si Miss Bea!” pabirong sagot ni Chad sa mga hindi raw funny at may attitude.

“Lahat naman naka-collab namin game na game!” giit ni MC.

Pero, `yun na nga, mas ginusto pa ring kainin ng tatlong beki ang ‘bayag ng baka.’

“Mabango ang balls ng baka?” tanong ni Bea sa tatlong beki.

“Oo, ginagawa tong Soup No. 5, eh!” sagot ni Chad.

“Anong lasa?” tanong ulit ni Bea.

“Ito ang ayaw ko sa balls eh, `yung may buhok!” saad lang ni Chad.

“Ayyyyyy!” tumitiling reaksiyon ni Bea.

Well, kung bet niyong mapanood ang mga iba pang sagot ni Bea sa mga matitinding tanong, nood na kayo sa kanyang vlog (Bea Alonzo na may 1.04M subscribers na). (Dondon Sermino)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

This breaking news is brought to you by:

Popular sa Abante

Popular sa Politiko

TELETABLOID

Follow Abante News on