WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Aby workout kahit puyat

Bagama’t wala pang laro, hindi naman pinababayaan ni Philippine SuperLiga (PSL) star Aby Maraño ang kanyang pangangatawan ngayong may pandemya.

Sa kanyang Instagram post, makikitang batak sa gym para sa pagpapakondisyon ang F2 Logistics Cargo Movers team captain kahit na wala pa umano itong tulog.

“That feeling when you barely had any sleep, worked all day and still manage to crush your goals in the gym,” sey ng 5-foot-9 middle blocker na pinakita rin ang kanyang pangmalakasang muscles.

Samantala, una namang papalo para sa PSL ngayong taon ang Beach Volleyball Challenge Cup sa Subic, Zambales sa darating na Pebrero. (JAToralba)