WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Pacquiao handa sa imbestigasyon sa paglabag ng physical distancing

Welcome kay Senador Manny Pacquiao ang anumang posibleng imbestigasyon sa kanya kaugnay ng paglabag sa health safety protocol nang magtungo ito sa Batangas para mamahagi ng tulong sa mga residente doon.

“We welcome any investigation related to claims that quarantine protocols were violated when we went to Batangas to distribute relief and early Christmas gifts for the people who have suffered so much during the Taal Volcano eruption and the series of typhoons that hit Luzon [recently],” pahayag Jake Joson, special assistant ni Pacquiao, sa isang statement.

“Before that, we also distributed relief and financial aid for the fire victims in Bacoor [Cavite] and flood victims in Rizal province and in Marikina City,” dagdag pa nito.

Sa Instagram stories ng asawa ni Pacquiao na si Jinkee na nag-viral sa social media, makikita doon na nagsasalita ang senador sa mga residente sa Batangas at mukhang hindi nasunod ang social distancing protocol.

Subalit nanindigan si Joson, na-observe naman ang social distancing at health protocol sa nasabing event.

May itinalaga ding mga marshal para matiyak na nasusunod ang requirement ng National Task Force on COVID-19 sa physical gathering. Nagkaroon din umano ng pre-inspection sa physical arrangement para masiguro ang social distancing ng mga taong nagtungo doon.

Nagdoon din umano ng face masks at face shiled ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon.

“If and when there were some photos and videos showing what it seems to be violations of the quarantine protocols, I can assure you that these do not reflect the real situation on ground,” ani Joson.

“We were all mindful of the protocols as we tried the best we can to reach out to all those who came and share the little blessing that we have,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)