WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Buwagin na! Gobyerno barya lang kita sa PITC-Drilon

Iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na buwagin na lang ang state trading company na Philippine International Trading Corp. (PITC) sa gitna ng isyu ng kuwestiyonableng paggarahe ng P33.4 bilyon pondo mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Drilon, may duplikasyon lang ng trabaho ang PITC, na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) sa procurement service ng Department of Budget and Management (DBM) kaya’t mainam na ipasara na lang ito.

“Hindi naman sila kailangan. May procurement service ang DBM. Pareho ang ginagawa nila,” pahayag ni Drilon sa panayam sa DZBB.

Maari naman aniyang irekomenda ng Government Commission on GOCCs (CGC) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na ang operasyon ng PITC lalo na kung may duplikasyon ang trabaho nito sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Ayon pa sa minority leader, napeperwisyo lang ang gobyerno sa ginagawa nilang pagtatago na pera bukod sa nangungumisyon pa ang PITC sa bawat transaksiyon nito sa pagbili ng mga kagamitan at serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan.

“Niloloko tayo at niluluto tayo sa sarili nating mantika. Barya-barya lang po ang ibinabalik sa gobyerno kumpara sa nakokolekta nilang bilyun-bilyong piso,” giit pa nito.

“Kaya dapat buwagin na iyan. Hindi tama ang kanilang ginagawa. Illegal at immoral,” dugtong pa ng senador. (Dindo Matining)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on