WebClick Tracer

Wednesday, October 5, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Lacson ayaw umamin na nagpabakuna vs. COVID-19

Mailap pa rin Senado Panfilo Lacson sa pagsagot sa tanong kung nagpabakuna na nga ba siya o hindi laban sa COVID-19, kahit wala pa namang inaaprubahan ang gobyerno na bakuna kontra rito.

Sa isang panayam sa radyo, tinawanan lang ni Lacson nang matanong naging bahagi siya na clinical trial para sa COVID-19 vaccine o kung nakapagbakuna na ba siya bilang panlaban sa nasabing sakit.

“Tawa na lang isasagot ko diyan… kung totoo nga. E hindi ko naman inaamin, kaya let’s leave at that,” pahayag ni Lacson.

Matatandaan nainihayag ni Senate President Vicente Sotto noong Sabado sa isang panayam sa radyo na nakapag-avail na ng COVID-19 vaccine si Lacson at House Majority Leader Martin Romualdez.

Sa mga nagdaang mga interbyu, tumanggi si Lacson na kumpirmahin o i-deny ang alegasyon habang wala pang inisyung pahayag si Romualdez.

Nauna nang nagbabala ang Department of Health sa publiko na maging maingat sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 dahil wala pa namang inaaprubahan ang Food and Drug Administration (FDA) na anumang gamot laban sa nasabing nakahahawang sakit. (Dindo Matining)