WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Duterte sa mga pulis, sundalo: Huwag matakot pumatay!

Muling inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang direktiba sa mga pulis at militar na huwag matakot pumatay kung malalagay ang buhay sa alanganin dahil sa illegal na droga.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang regular na mensahe sa bayan matapos iulat ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mataas pa rin ang kaso ng illegal drug activities sa bansa sa kabila ng pinaigting na kampanya paban sa iligal na droga.

Sinabi ng Pangulo na marami na siyang pulis na namamatay sa anti-drug operations at nagagalit siya dahil naunahan ang mga ito ng mga miyembro ng sindikato.

“Marami na akong pulis namatay. Ayaw ko yan. Nagagalit ako sa pulis na patay. Sabihin ko, “bakit hindi mo inunahan?” anang Pangulo.

Dahil dito, muling ipinaalala ng Presidente sa mga pulis at maging sa mga sundalo na huwag matakot pumatay , basta naaayon sa batas lalo na kapag nalagay ang buhay sa panganib .

“Huwag kayong matakot pumatay. Hayaan mo ‘yang human rights basta you do it in accordance with law. Again, the only time that you are allowed to kill is when your life is in danger. I have said that so many times. I’m saying it again tonight,” dagdag ng Pangulo.

Iginiit pa ng Presidente na ang kalaban ngayon ng gobyerno ay ang Sinaloa drug cartel at Bamboo triad dahil patuloy sa kanilang illegal drug trade sa kabila ng drug war ng gobyerno.(Aileen Taliping)