WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Duterte special power aprub sa Senado

Sa botong 23-0 ay inaprubahan ng Senado sa ikatlong pagbasa ang panukala na magbibigay sa Pangulo ng kapangyarihan na pabilisin ang pag-isyu ng government permit at licenses sa panahon ng national emergency.

Ang Senate Bill No. 1844 na sinertipikahan ng Malacanang bilang urgent ay magbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng kapangyarihan para pagaanin ang proseso na pag-release ng mga dokumentog o suspendehin ang requirement sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Saklaw dito ang lahat ng ahensiya sa ilalim ng executive branch –departments, bureaus, offices, commissions, boards, councils, government instrumentalities, at government-owned and controlled corporations.

Bukod diyan, nakasaad din sa panukala na maaring suspndehin o tanggalin ng Pangulo ang government official o employee na hindi susunod sa pag-streamline ng proseso. (Dindo Matining)