WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Rookie of the Year si Morant

PAGKATAPOS ihayag ang winner ng Rookie of the Year, nabuhay ang debate kung sino kina Ja Morant ng Memphis at Zion Williamson ng New Orleans ang mas kapaki-pakinabang sa court.

Si Morant ang tinanghal na ROY, inumpisahan niya ang selebrasyon nang i-tweet kahapon ang picture ng Eddie Gottlieb Trophy na may chain na pinalawitan ng ‘12’ – jersey number ni Morant.

Nasundan ‘yun ng isa pang pic nila ng anak na babae, may selebrasyon din.

Halos unanimous choice si Morant, nakuha ang 99 sa 100 first-place votes.

Ang nakasingit sa isa? Si Zion.

May naligaw pang pumili kay Williamson, gayong hindi naman siya nakabuo ng season. Pre-season pa lang ay bagsak na ang top pick ng nakaraang draft dahil sa injury sa tuhod, Nag-debut siya sa NBA noong January.

Si 21-year-old Morant ang second pick.

Mula sa Sports Center, may mensahe ang Grizzlies star sa taong hindi bumoto sa kanya:

“Thank them for motivating me even more.”

Sumegunda sa botohan si Kendrick Nunn ng Heat. (VE)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on