WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

Hindi maso-solve problema ng bayan! Kahit mamatay ako bukas- Duterte

“Maski na sabihin ba ninyo mamatay ako bukas, it cannot solve the problem of the country. Please do not add fuel to the fire.

You will just destroy government. Huwag ninyong sirain ang gobyerno kasi masisira ang tao. Pag nasisira ang gobyerno, lulutang tayo lahat.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes ng gabi bilang reaksyon sa batikos ng kanyang mga kritiko.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na puro ingay lang at pamumuna ang ginagawa ni Vice President Leni Robredo pero wala namang itong naitutulong para malabanan ang COVID-19.

Pinagsabihan ng Pangulo si Robredo na huwag gatungan ang mga tao at huwag sirain ang gobyerno kaugnay sa ginagawang pagtugon sa COVID pandemic.

“Ito namang kay Leni in her ending statement, sa edad ko kung hindi daw gawin ng gobyerno , gagawin ng tao. Sa panahong ito ng pandemic na nadedesperado ang mga tao, tapos dagdagan ninyo ng mga ganon, na wala namang kayong base, sana may maipakita kayo,”anang Pangulo.

Kahit aniya ang kamatayan nito ay hindi sagot sa problema ng bansa kaya huwag siraan ang gobyerno dahil kapag nangyari ito ay walang mangyayari sa mga Pilipino.

Matatandaang inihayag ni Robredo na kahit noong wala pa ang pamdemya ay hindi maabot ng ekonomiya ang ganap na potensiyal nito dahil sa kakulangan ng kumpiyansa ng gobyerno.

Sinabi pa ng pangalawang Pangulo na ang kailangan ng bansa ay isang tao na magtitimon sa tamang direksiyon ng bansa .(Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on