WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

PBA Aug 20-21 ang swab test

NASA ilalim pa ng MECQ ang Metro Manila at mga karatig-pook hanggang bukas, Aug. 18, sarado ang practice facilities kaya hindi natuloy ang plano ng PBA na umpisahan ang by batch na workout.

Inaasahang luluwag ang quarantine level sa Aug. 19, kasunod ay sasailalim sa mandatory swab tests ang players posibleng sa Aug. 20 at 21.

Pinakamaagang p’wedeng makabalik ng practice gyms ang players sa Aug. 24.

Tuloy ang plano na by batch ng tig-apat na players, isang trainer at health officer ang papasok lang sa gym. Pagkatapos ng session ay diretso uwi ang players, idi-disinfect sa loob ng 30 minutes ang facility bago papapasukin ang susunod na batch.

Bago matapos ang buwan o sa kaagagahan ng September, plano ng liga na sumulat ulit sa IATF at mag-request na payagan na silang magkaroon ng full scrimmages.

Sa timetable na ito, posible pa ring makuha ang target date na resumption ng Philippine Cup sa mid-October.

Nakakaisang laro pa lang sa season sa opening night noong March 8, ang 94-78 win ng San Miguel Beermen sa Magnolia. March 11 kinansela na ni commissioner Willie Marcial ang mga laro dahil sa coronavirus pandemic. (Vladi Eduarte)