WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
LIFESTYLE

Michelle giling bago training

DIBDIBAN man sa training, aliw pa rin sa pagsasayaw si volleybelle Michelle Morente nang gawin niyang warm-up ang paggiling bago sumabak sa workout.

Sa Instagram story nG dating Ateneo Lady Eagle hitter ay TikTok muna ang inatupag nito bago umariba sa training.

“Warm up muna before workout,” caption ng 5-foot-7 spiker sa nasabing IG story kung saan kasama rin niyang nagpakondisyon si volleybelle Cherry Nunag.

Sa ngayon ay bahagi ang 24-anyos na balibolistang si Michelle sa F2 Logistic Cargo Movers kasama ang volleyball stars na sina Kalei Mau, Majoy Baron, Dawn Macandili at Aby Marano. (Aivan Episcope)