WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Carmela pinagsabay training, pagbirit

WORKOUT at pagbirit, kayang-kaya itong pagsabayin ni volleybelle Carmela Tunay.

Pinasilip ng partner ni Carmela na si Kim Fajardo sa kanyang Instagram story na tuluy-tuloy lang sa pag-awit ang former UST Golden Tigress habang nagbabanat ng wankata sa gym ball.

Sa ngayon ay walang ibang pinagkakaabalahan ang 25-anyos na balibolista kundi ang magsagawa muna ng home workout habang may pandemic COVID-19.

At siyempre, hindi nawawala sa pagka-busy niya ang dyowa ring volleybelle na si Kim na naglalaro naman para sa F2 Logistics Cargo Movers. (Aivan Episcope)