WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

2 buwis buhay sa buy-bust

Patay ang dalawang notoryus na tulak ng iligal na droga na parehong nasa drug watchlist, matapos na makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation sa Jose Panganiban, Camarines Norte, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Erwin Albis, at Randy Furiscal.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente alas-12:20 ng madaling-araw sa Purok 6, Brgy. Luklukan Sur ng nabatid na bayan.

Habang nagaganap umano ang transaksyon sa pagitan ng mga suspek at police poseur buyer na umiskor ng shabu sa mga ito, nahalata nina Albis at Furiscal na pulis ang kausap kaya agad nilang pinaputukan. Gumantin rin ng putok ang awtoridad na nagresulta sa pagkasawi ng dalawa.

Nakuha sa mga napatay na suspek ang isang kalibre .45 at 9 mm na baril at mga bala nito, gayundin ang isang medium pack na hinihinalang shabu na inaalam pa ang dami at halaga na nakalagay sa compartment ng motorsiklo na kanilang ginamit. (Edwin Balasa)