Una sa Balita

2019 World Seniors Chess Championships

0 232

Ito na marahil ang isa sa pinakamabigat na hamon sa larangan ng ating professional chess career.

Ang lalahukan kong FIDE (Fédération Interna­tionale des Échecs o International Chess Federation) 2019 World Seniors Chess Champion­ships na gaganapin sa Bucharest, Romania sa Nobyembre 11-24.

Noong 2017 edition sa Italya ay tumapos tayo ng vice champion o 2nd overall sa 50 years old and above sa una nating paglahok sa nasabing pandaigdigang torneo.

Nitong nakaraang taon, 2018, ay hindi po tayo nakalahok.

Sa taong ito, masasabi kong isa na ito sa pinakamalakas na field kung saan masisilayan sa 50 years old and above na ating makakalaban ay sina GM Kiril Georgiev ng Macedonia (elo 2581), GM Zurab Sturua ng Georgia (Elo 2540), GM Darcy Lima ng Brazil (Elo 2537), GM Mihail Marin (Elo 2524) at GM Vladislav Nevednichy ng Romania (Elo 2522).

Susulong din sina GM Alexander Shabalov (Elo 2516) at GM Alex Yermolinsky ng Estados Unidos (Elo 2506).

Kinuha nating seconds/trainer at coach ang ating kumpareng si Filipino National Master at Arena Grandmaster Almario Marlon Q. Bernardino, Jr. kasama si coach Ederwin Estavillo para makatulong sa ating laban sa Bucharest, Romania.

Nawa’y sama-sama po tayo, ipagdasal ang nalalapit nating pagkatawan sa bansa sa pinakama­laking torneo bago matapos ang taong ito.

***

Ipinabatid ng ating kumpareng si Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Jenny T. Mayor na tubong Sibuyan Island, Romblon na nakabase sa Quiapo, Manila na ang deadline ng pagpapatala sa ‘Anvaya Cove Beach and Nature Club National Executive Grand Prix Rapid Chess Championships’ na binansagang ‘2019 Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Sr. Chess Cup’ ay sa darating na Huwebes, Setyembre 26.

Magaganap ang Anvaya Cove leg kung saan naimbitahang magsagawa ng traditional ceremonial moves sina Morong, Bataan mayor Cynthia G. Linao-Estanislao at Anvaya Cove Beach and Nature Club president Atty. Paul Elauria, sa darating na Setyembre 28 (Sabado) sa Anvaya Cove Beach and Nature Club, Molave and Narra function room sa Morong, Bataan.

Magpatala kay Philippine Executive Chess Association (PECA) treasurer National Master (NM) Efren Bagamasbad sa 0915-720-9145 sa event na suportado ng Anvaya Cove Beach and Nature Club mula kay Recreation and Activity­ Manager Raymond M. Sandoval at Anvaya Cove Beach and Nature Club president Atty. Paul Elauria.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng City Sports and Youth Development Office ng Olongapo City, OIC, David B. Bayarong at CSWDO Jhun Pascua.
Kailangan mag-fill up ng waiver form at maipadala sa Anvaya Cove thru NM Bagamasbad.

***

Nakikiramay po tayo sa mga naulilala ng ating kaibigang National Master (NM) Stewart Manaog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy