Una sa Balita

2019 World Pitmasters Cup kasado

By
0 359

MATAPOS ang mga paghahanda sa isa sa mga pinakaaabangan ng mga sabungero, kasado para sa buwan ng Abril ang The World Pitmasters Cup (WPC) 9-Cock International Derby.

Sa ginanap na press conference na hinost ni Mr. Charlie ‘Atong’ Ang, Mr. Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Mr. RJ Mea, Agusan Del Sur Gov. Eddiebong Plaza kasama si Eric dela Rosa Biyernes, Abril 12, sa The Grand Bar, Resorts World Manila, sisiyapol ang mga laban ng WPC sa Resorts World Manila mula Abril 21-30.

Lalarga para sa Abril 21-23 ang 2-cock elimination rounds, Abril 24 para sa 6-Cock Big Event at Abril 25-27 para sa laban ng 3-cock semifinals.

Samantala, sasalang naman sa Abril 28 ang BMEG Integra Po­wermaxx Cup 6-Cock Derby kasama ang Pre-Final Round para sa qualifiers kabilang ang 3 at 3.5 aggregate points.

Hahataw naman sa Abril 30 ang Grand Finals para sa entries kasama ang mga may 4, 4.5 at 5 points. 

Bibira ang WPC kasama ang Games and Amusements Board, Resorts World Manila at sponsors na Thunderbird, VNJ Distributors, Thor MD, Experto Gamefowl Products, Inc., Excellence Poultry and Livestock Specialist at BMEG Integra. 

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang World Pitmasters Cup International Derby-WPC sa kanilang Facebook page o tumawag sa numerong 0927-8419979.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy