Una sa Balita

2019 William Jones Cup: Phelps, Mighty umiskor

0 316

MATIKAS na inumpisahan ng import-laden Mighty Sports Philippines ang kampanya sa 2019 Jones Cup nang itumba ang Iran Under 23 national team 98-72 sa opening day ng torneo sa Changhua County Gymnasium sa Taiwan Biyernes ng hapon.

Maagang nagliyab ang Pilipinas, tinapos agad ang first quarter sa bentaheng 21-12 at 46-33 sa break, mula roon ay hindi na lumingon.

Nanguna sa atake ng Mighty si dating Phoenix Fuel Masters import Eugene Phelps na nagsumite ng 25 points at 6 rebounds.

Nagdagdag si Fil-Am Jeremiah Gray ng 16 points, 5 rebounds at 3 assists para sa Mighty Sports, dumistansiya ng 78-51 pagkatapos ng three quarters.
Nagdagdag si McKenzie Moore ng 15 points, may tig-10 sina Renaldo Balkman at Michael Williams.

Nanguna sa Iran si Vahid Dalirzahan na may 14 points.
Sunod na haharapin ng Mighty Sports-Go for Gold ang Jordan mamayang hapon. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy